Bilang ng Pinoy na nasugatan sa malakas na pagsabog sa Lebanon, umabot na sa 42; isa pang Pinoy, nawawala!

77

Umabot na sa apatnaput dalawa (42) ang bilang ng nasugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.


Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola, ito ay makaraang makapagtala ng panibagong labing isang Pinoy na nasugatan sa pagsabog.

Bukod rito, may isa pang Pinoy na nawawala dahilan upang umakyat na sa dalawa ang missing.

Nananatili naman sa apat na Pinoy ang nasawi.

Inaasahan naman ng DFA na tataas pa ang bilang ng mga Pinoy na maaapektuhan dahil sa matinding pinsalang iniwan ng malakas na pagsabog.

Facebook Comments