Tinamaan ng COVID-19 sa Kamara, umakyat na sa 37

40

Umakyat na sa 37 ang tinamaan ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Ito ay makaraang magpositibo sa virus batay sa isinagawang COVID-19 test ang isang empleyado ng human resources management service.

Nabatid na huli itong nagreport sa trabaho sa Kamara noong July 29, 2020 at sumailalim sa COVID-19 test makaraang makaranas ng pag-ubo.

Patuloy ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Sa ngayon ay nasa 19 ang active cases ng COVID-19 sa Kamara.

Facebook Comments