Bilang ng preso na namamatay sa sakit dulot ng masikip na kulungan, umabot na sa 26

Manila, Philippines – Umabot na sa 26 na preso ang namatay sa dahil sa iba’t-ibang sakit dulot ng masikip na kulungan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – ito ang kanilang naitala matapos ang ginawa nilang inspeksyon sa iba’t-ibang detention facility sa Metro Manila kabilang ang Southern Metro Manila at Manila Police District (MPD).

Aminado si Albayalde – na siksikan sa mga kulungan sa Metro Manila dahil sa biglaang paglobo ng mga taong nakukulong resulta ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga at kriminalidad.


Sinabi ni Albayalde – isa sa nakikita niyang dahilan ay ang hindi agarang paglilipat ng mga ito sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hangga’t walang kautusan mula sa korte.

Kabilang aniya sa dahilan ng kamatayan ng mga ito ay dahil sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng tuberculosis, cardiac arrest, blood infection at heart attack at poor hygiene na sanhi naman sa sobrang sikip ng mga kulungan sa Metro Manila.

DZXL558

Facebook Comments