Bilang ng PUIs ng DOH, 614 na

Umabot na sa 614 ang bilang ng mga naitalang patient under investigation o PUIs ng Department of Health (DOH) dahil sa posibilidad ng Corona Virus Disease 2019 o COVID-19.

Pero batay sa datos ng DOH, 510 na sa mga ito ang nakalabas na ng ospital.

Habang bumaba naman sa 101 ang naka-admit sa mga pagamutan.


Hindi naman na nadagdagan at nananatiling nasa 3 lang ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang dalawa rito gumaling na at ang isa naman ay namatay dahil sa severe pneumonia.

Facebook Comments