Bakery helper, sinaksak ng isang matansero, patay sa Mandaluyong City

84

Patay ng idating sa Mandaluyong Medical Center ang isang bakery helper matapos na saksakin ng kanyang kalaro sa billiard sa harapan ng Pats Store, Kalentong Market 2 along Gen. Kalentong St., Brgy. Pag-asa, Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Antonio Teves Jr., 44 anyos, bakery helper, stay-in sa Kalentong Market 2, Gen. Kalentong St., Brgy Pag-asa, Mandaluyong City habang ang suspek na naaresto ay nakilalang si Arnold Gayo, 45 anyos.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek dahil sa larong billiard at naghamon ng suntukan ang dalawa hanggang sa umalis ang suspek at pagbalik mayroon na itong dala-dalang kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima na nadala pa sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang naturang suspek na nakakulong na sa Mandaluyong Police.

Facebook Comments