Sa pagpasok ng taong 2021, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP health service, umakyat na sa 9,036 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 na mga pulis matapos na madagdagan ng 22 na bagong kaso.
Walo ang naitala sa National Operations Support Unit, apat mula sa Eastern Visayas, habang tig – dalawa naman ang naitala sa National Administrative Support Unit, NCRPO, Davao Region, Cordillera at Bangsamoro Autonomous Region.
Aabot naman sa 352 ang aktibong kaso ng virus sa hanay ng PNP o iyong nagpapagaling pa sa sakit.
Habang nakapagtala ang PNP ng 31 bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 8,657 ang kabuuang bilang ng kanilang recoveries.
Nananatili naman sa 27 ang bilang ng mga nasawi.