Aabot lamang sa 1, 500 o katumbas ng 23. 74% ang bilang ng mga Public Utility Vehicles sa Ilocos Region ang mayroong bagong fare matrix, base sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1.
Ito pa lamang ang nabibigyan mula sa kanilang target na 6, 484 na PUV’s.
Pinakamarami sa mga nabigyan ng updated fare matrix ay ang Public Utility Jeepneys na nasa 1, 368. 96 SA Public Utility Bus Provincial at 75 sa TAXI.
Ayon kay Atty. Anabel Marzan Nullar ang Chief Transportation Development Officer ng LTFRB Region 1, isa sa requirement ng kagawaran ang fare matrix upang makasingil ang PUV Drivers at operators ng bagong fare adjustments at kinakailangan ito ay nakapaskil sa kanilang sasakyan.
Nagpaalala ang LTFRB na labag sa batas ang maningil ng inaprubahang pasahe kapag walang fare matrix at pagmumultahin ng 5,000 hanggang 15,000 pesos ang lalabag dito habang posible ring ma-impound ang sasakyan nito.
Matatandaan na ipinatupad noong lunes, October 3, 2022 ang inaprubahang fare hike ngunit ilang PUJs sa Pangasinan ang hindi pa nagtataas ng pamasahe dahil sa kawalan ng bagong fare matrix.| ifmnews

Facebook Comments