NATIONAL TEACHER’S DAY, MASAYANG IPINAGDIWANG SA LUNGSOD NG CAUAYAN

40
Tinatayang nasa 1,500 teachers mula sa Lungsod ng Cauayan ang napasaya sa pagdiriwang ng National Teachers Day kahapon.

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ay idineklara ni City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr na Special Day ang October 4, 2022 at sinuspinde ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan para mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makiisa at mabigyan ng pagkilala sa kanilang pagbibigay serbisyo.

Isinagawa ang selebrasyon sa Isabela Convention Center o iCON na dinaluhan nina Isabela Governor Rodito Albano III; Vice Governor Bojie Dy III; Congressman Inno Dy V at mga City Officials ng Lungsod ng Cauayan.

Nagsilbi namang guest of honor si DepEd Regional Director Benjamin Paragas.

Sa ating panayam kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr., nagpapasalamat ito sa suporta ng LGU Cauayan dahil sa ibinigay na pagkakataon para bigyang pugay ang mga guro.

Bago natapos ang selebrasyon ay pinarangalan ang ilan sa mga natatanging guro sa Lungsod ng Cauayan kabilang na sina Dr. Alfredo Gumaru Jr ng SDO Cauayan; Cauayan City Stand-Alone Senior High School Principal John Mina at iba pang Principal at Teaching and non-teaching staff mula sa iba’t-ibang paaralan.

Facebook Comments