Bilang ng repatriated OFWs, mahigit 31,000 na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 31,528 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi ng gobyerno mula nitong Pebrero dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa DFA, 65.5% o 20,635 nito ay sea-based habang 34.5% o 10,893 ang land-based.

24,000 sa mga napauwing OFWs ang naihatid na ng gobyerno sa kani-kanilang mga lalawigan.


Sa kabuuan, 42,000 na mga Pinoy sa abroad ang target na mapauwi ng pamahalaan.

Muli namang pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy na nais sumailalim sa repatriation program na makipag-ugnayan lamang sa embahada o sa konsulada ng Pilipinas.

Facebook Comments