Dating Miyembro ng Rebeldeng Grupo sa Cagayan, Sumuko

27

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong isinuko ang sarili ng isang 20-anyos na lalaki at itinuturing na Militia ng Bayan sa Probinsya ng Cagayan.

Kinilala sa pangalang Tony, binata, isang laborer at residente ng Brgy. Liuan, Rizal, Cagayan.


Batay sa rebelasyon nito, sinuportahan niya ang mga rebeldeng grupo sa ilalim ng pamumuno ng nagngangalang Ferdinand Bautista alyas ‘SIMOY’ sa pamamagitan ng pagdedeliver ng pagkain sa bisinidad ng tinutuluyang lugar ng lider nitong nakalipas na taong 2017.

Humiwalay si Tony sa grupo taong 2018 at lumipat sa Brgy. Liuan at namumuhay ngayon ng payapa kasama ang kanyang pamilya.

Nabatid na kasama ang pangalan nito sa listahan ng mga miyembro ng Militia ng Bayan at agad na isinuko ang sarili sa pulisya sa kabila ng mahigpit na kampanya ng gobyerno laban sa insurhensiya.

Patuloy naman ang kampanya ng pulisya at tropa ng kasundaluhan para sa tuloy-tuloy na paghikayat sa mga rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan.



Facebook Comments