BILANG NG TEACHING AT NON-TEACHING PERSONNEL NA TINAMAAN NG COVID19 UMABOT SA MAHIGIT ISANG LIBO

Umabot na sa 1, 055 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID19 virus sa hanay ng teaching and non teaching personnel sa DepEd Region 1.

Sa kabuuang bilang na ito ay 160 sa mga ito ang nanatiling aktibong kaso base sa naging monitoring ng ahensiya mula nitong nakaraang linggo ng buwan ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ayon kay Cesar Bucsit, Head ng Public Affairs Office ng DepEd Region 1, patuloy man silang hinahamon ng pandemya ay patuloy sa pagbibigay ng serbisyo.


Dagdag ni Bucsit na umabot na sa labing pito sa kanilang hanay ang nasawi dahil sa COVID19 habang 872 ang fully recovered.

Sinabi pa niya na bagamat may mga tinamaan ng COVID19 sa kanilang hanay na hindi apektado ang pag aaral ng mga estudyante dahil sa modular learnings ang umiiral at ang ilan ay sa online.

Facebook Comments