MGA LUGAR NA NASA WATCHLIST SA DENGUE, INILABAS NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE

13

Naglabas na ang tanggapan ng Provincial Health Office ng Pangasinan ng mga bayan na nasa watchlist sa sakit na dengue.

Ang mga siyudad sa pangasinan na kasama sa watchlist ay San Carlos at Urdaneta City at ang mga bayan naman ay Bayambang, Umingan, Binmaley, Pozorrubio, Lingayen, Calasiao at Basista.


Mahigpit na ipinapaalala ng ahensya ang pagpapaigting sa 4s na search and destroy, self-protection measures, seek early consultation at support fogging or spraying.

Sa ngayon, nasa 1660 ang dengue case sa pangasinan mula January hanggang June 14.

Facebook Comments