Bumaba pa ang porsyento ng testing para sa Tuberculosis (TB) sa Pilipinas nitong 2020 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Mario Villaverde, bumaba sa 59% ang bilang ng mga pasyenteng nagpa-test para sa TB na katumbas ng 556,000 na pasyente.
Malayo ito sa 1.16 million na pasyenteng naitala noong 2018 at halos isang milyong pasyente noong 2019.
Ang mababang bilang ng mga nagpapa-test ay dulot ng pagbabago sa health-seeking behavior ng mga pasyente kung saan natatakot nang magtungo sa mga ospital dahil sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.
Nakikita ring problema ang mobility dahil sa kakulangan ng transportasyon.
Tiniyak naman ng opisyal na nakabuo na sila ng isang national tuberculosis adaptive plan na reformulation ng standard tuberculosis program.