Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng PNP, sumampa na sa mahigit 39,000

25

Sumampa na sa 39,115 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa tala ng PNP health service, 212 ang nadagdag kung saan 2,279 ang aktibong kaso.


Nagdagdagan naman ng 198 ang mga gumaling para sa kabuuang 36,720 recoveries.

Habang nasa 116 na ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng isa.

Samantala, sa ngayon ay nasa 2,453,328 na ang kabuuang kaso sa bansa matapos madagdagan ng 18,659 kahapon.

Facebook Comments