Mga opisyal ng PNP at AFP, hindi dapat idinadamay ng mga “marites” sa umano’y “ouster plot” kay PBBM

Iginiit ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jefferson Khonghun kay dating Senador Antonio Trillanes IV na huwag nang idamay ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa walang basehang kwento ng pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Mensahe ito ni Khonghun makaraang isiwalat ni Trillanes na may mga opisyal ng AFP at PNP ang sangkot sa tangkang pagpapatalsik ng kampo ni dating Pang. Rodrigo Duterte kay Pangulong Marcos.

Ayon kay Khonghun, alam naman ng lahat na isa umanong “pambansang marites” si Trillanes at mga isinisiwalat nito ay unfair para sa mga opisyal ng AFP at PNP dahil hindi naman suportado ng mga ebidensya.


Facebook Comments