Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, January 3, 2021, dalawampu’t pito (27) na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Isabela kung saan sampu (10) ang naiulat sa Lungsod ng Ilagan; anim (6) sa Lungsod ng Cauayan; apat (4) sa Lungsod ng Santiago; dalawa (2) sa bayan ng Echague; at tig-isa (1) sa mga bayan ng Cabatuan, Mallig, Naguilian, San Mateo, at Sta. Maria.
Kasabay ng mga bagong positibo, gumaling naman sa COVID-19 ang labing siyam (19) na tinamaan ng virus.
Sa kasalukuyan, mayroon na lamang 232 na total active cases ang Isabela at mula sa bilang na ito, isa (1) ang Returning Overseas Filipino (ROFs); anim (6) na Non-Authorized Person Outside Residence (Non-APORs); labing tatlong (13) healthworker; dalawampu’t walong (28) pulis; at 184 na Local Transmission.