Bilang ng Tinamaan ng COVID-19 sa Isabela, Nadagdagan

22

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 24,087 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong probinsya ng Isabela.

Ito’y matapos madagdagan ng 115 na panibagong positibong kaso batay na rin sa tala ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU).


Mayroon namang 175 na naitalang bagong gumaling na nagdadala sa kabuuang bilang na 21,831 total recoveries.

Nakapagtala na rin ang buong probinsya ng kabuuang 734 na namatay sa COVID-19 kabilang na ang apat (4) na bagong mortality.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,522 aktibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments