PCSO Sales Representative, Timbog sa Pagbebenta ng Illegal Drugs

20

Cauayan City, Isabela- Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang isang Sales Representative ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na itinuturing na High Value Target (HVT) sa Barangay Socbot, Pinukpuk Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Binaccag Baligod alyas Tibong, 31-anyos, at residente sa nasabing barangay.


Ayon kay Kalinga Provincial Director, PCol. Davy Vicente Limmong, matapos maibenta ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.20 grams na nagkakahalagang P1,360 sa operatiba na umaktong poseur buyer ay kaagad itong inaresto.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang lima (5) pang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.4 grams gayundin ang buy-bust money.

Nahaharap sa kasong Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A 9165) ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments