Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 7,000; mga doctor na nasawi dahil sa sakit, pumalo na sa 24

Nadagdagan pa ng 211 panibagong kaso ang COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pumalo na sa 7,192 ang naitala nilang COVID-19 cases.

15 naman ang dumagdaga sa mga nasawi na umabot na sa 477.


Patuloy naman ang pagdami ng mga gumagaling na nadagdagan ng 40 recoveries at ngayon ay nasa 762 na.

Facebook Comments