PCSO, namahagi ng 14 PTVS sa ilang LGUs at government institutions

Nagbigay ng 14 Patient Transport Vehicles (PTVS) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilang Local Government Units (LGUS) at government institutions.

Ayon kay PCSO General Manager Royina M. Garma, ito ay para masigurong na sapat ang mga sasakyang gagamitin ng pamahalaan para sa maayos na transaksiyon at delivery ng mga medical needs ng health workers.

Gagamitin din aniya ito para maghatid at rumesponde sa publiko ngayong kasagsagan ng COVID-19.


Facebook Comments