Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa QC, nadagdagan muli

130

Tumaas pa ang bilang ng biktima ng COVID-19 sa Lungsod ng Quezon.

Base sa talaan, 104 na ang tinamaan ng virus matapos madagdag ang 7 biktima.


Natukoy ang bahay ng mga bagong nagkasakit sa Brgy. Bungad, San Roque, Teachers Village East, Teachers Village West, New Era at Pasong Tamo.

Sa ngayon, 9 na ang naka-recover sa COVID-19 sa QC habang 17 na ang namatay.

280 naman ang PUMs habang 57 ang PUIs.

Facebook Comments