8 Katao, Huli sa aktong Pagsusugal sa Cagayan

84

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang walong (8) katao dahil sa iligal na pagsusugal bandang 4:45 kahapon sa Brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Baccay y Taguinod; Bryan Dammay y Veyra; Roderick Tuddao y Bata; Teofanes Tabao y Guliman; Celestino Tabao y Guliman; Violeta Cammayo y Tabao; Harold Furigay y Bariuan; and Salvacion Cammayo y Tabao,kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City.


Ayon sa imbestigasyon ng Tuguegarao City Police Station, nahuli sa aktong paglalaro ng ‘tong its’ang mga suspek habang nakumpiska sa mga ito ang per ana nagkakahalaga ng mahigit sa P2,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.


Facebook Comments