Muling tumataas ang vigilante killings sa bansa kasabay ng pagbuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Illegal Drugs Campaign.
Batay sa tala ng Philppine National Police – bumaba sa tinatayang apatnaraan ang bilang ng kaso ng death under investigation noong Pebrero pero unti-unti itong tumataas sa huling Linggo ng nasabing buwan.
Hindi bababa sa labindalawa ang bilang ng naitalang insidente ng pamamaril sa Metro Manila pa lamang sa buong magdamag.
Sa kabila nito, nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi pa malinaw kung may kaugnayan sa illegal drugs ang mga pamamaril.
Facebook Comments