Nadagdagan pa ang bilang ng volcanic earthquakes na naitatala sa Taal Volcano sa nakalipas na 12 oras.
Ito ang sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas sa press brieing kanina.
Ayon kay Sevilla, pumalo na sa 787 volcanic earthquakes malapit sa Taal Volcano ang naitala sa nakalipas na 24 oras, magmula nang mag-alburuto ang Taal Volcano noong nakaraang linggo.
Higit aniya na tumaas ang naturang bilang kung ikukumpara sa 366 volcanic earthquakes na naitala kahapon.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Sevilla na kaya mas malaki ang bilang ng mga lindol na naitatala ng Taal Volcanic Seismic Network ay dahil sa proximity nito sa bulkan.
Facebook Comments