Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho batay sa Labor Force Survey ngayong April 2024 Prelimenary result ng Philippine Statistic Authority o PSA.
Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General ng PSA, naitala kasi ang bilang ng mga walang trabaho o negosyo noong April 2024 sa 2.04 million.
Paliwanag ng PSA na nasa 4% ang unemployement rate na naitala noong April 2024.
Mas mataas ang nabanggit na bilang sa naitala noong March 2024 na 2 million na unemployed na Pilipino.
Tumaas naman ang bilang ng mga underemployed noong April 2024 na naitala sa 7.04 million at 14.6% na underemployment rate.
Facebook Comments