MANILA – Naka-full alert na ang Philippine National Police bilang paghahanda sa undas.Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos buong pwersa ng PNP ang itatalaga upang masiguro ang seguridad ng publiko, sa paggunita ng araw ng patay.Bukod sa sementeryo, babantayan din ng PNP ang mga kabahayan na maiiwan ng mga magtutungo sa libingan, partikular ang mga magsisi-uwian sa mga lalawigan.Sinabi Ni Carlos Na Ipinag-Utos Ni PNP Chief Ronald dela rosa na paigtingin ang presensya ng kapulisan sa pamamagitan ng pagpapatrolya, pagdedeploy ng mga road safety marshals na aalalay sa mga motorista.Magtatayo din ng assistance hub sa mga sementeryo at iba pang matataong lugar at makikipag-uganayan ang pnp sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa mas maigting na seguridad.Inaasahang maagang dadagsa ang publikong magsisiuwian sa mga lalawigan, dahil mayroong long weekend para sa kanila upang gunitain ang undas.
Bilang Paghahanda Sa Undas – Philippine National Police, Itinaas Na Sa Full Alert Status
Facebook Comments