Bilang sagot sa ‘hamon’ ni Sec. Binay: Larawan ng pagko-commute ni Sec. Tugade, isinapubliko

LEFT: From Facebook/Assistant Secretary Goddes Libiran | RIGHT: Senate FILE PHOTO

Bilang tugon sa hamon ni Senadora Nancy Binay, ibinahagi ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko ang mga retrato ni Secretary Arthur Tugade habang nagko-commute.

Sa larawang ipinost ni Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, makikita ang kalihim na bumabiyahe sakay ng pampasaherong bus at nakihalubilo sa dagsa ng tao sa MRT.

“Sec. Tugade does not need to be challenged just to commute. He commutes. Walang fanfare, walang media,” mariing sagot ni Libiran.


Buwelta pa niya sa mambabatas, “yung challenger kaya, kelan huling nag-commute?”

Nitong Lunes, hinamon ni Binay ang ilang kawani ng DOTr na sumakay ng pampublikong sasakyan para maramdamam ang hirap na pinagdadaanan ng mga pasahero.

Kinuwestiyon din niya ang kawalan ng konkretong plano ng kagawaran, gayong maari raw ito raw pag-usapan ng tatlong, mula nang maipatupad ang lockdown sa buong Metro Manila.

Sa ilalim ng general community quarantine, piling transportasyon lang ang pinayagang pumasada sa kalsada gaya ng taxi, tren, bus, bisikleta, at ride-hailing service na Grab. Nagsimula ang kanilang balik-operasyon nitong Hunyo 1 at tatagal hanggang Hunyo 21.

Lahat ng ito ay limitado lamang ang kapasidad bilang pagsunod sa physical distancing kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Facebook Comments