Manila, Philippines – Pinaplantsa na ng Pilipinas at China ang isang bilateral meeting sa usapin ng South China Sea.
Sa gitna ito ng pagtatayo ng pasilidad ng China sa mga islang sakop ng karagatan ng Pilipinas partikular sa Kagitingan, Panganiban at Zamora reef.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose – layon ng pulong na mapag-usapan at masolusyunan ang mga isyu sa South China Sea sa mapayapang paraan.
Kabilang na rito ang naging desisyon ng un arbitral tribunal na kumikilala sa sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine sea at ang tunay na agenda sa mga itinatayong istruktura ng China.
Sa mayo, target na maisagawa ang bilateral meeting kung saan China ang magho-host.
Sa ngayon, inaayos pa kung sino ang mga opisyal ng Pilipinas na dadalo rito.
Facebook Comments