P-Duterte, umaming gumagamit na ng oxygen concentrator sa kanyang pagtulog

61
Manila, Philippines -Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit na siya ng medical apparatus na tinatawag na ‘oxygen concentrator’ tuwing siya’y natutulog.
 
Sabi ng pangulo, kailangan niya ang oxygen concentrator dahil na rin sa negatibong epekto sa kanyang katawan ng ilang taong paninigarilyo.
 
 
Anya dahil sa kanyang edad, hindi na rin siya makakain ng kahit anong gusto niya dahil sa mataas na cholesterol at sugar level.
 
Hindi na rin siya makainom ng alak dahil sa Barrett’s esophagus na isang kompikasyon ng gerd o gastroesophageal reflux disease.
 
 
Nagpaliwanag ang pangulo sa paggamit ng ‘oxygen concentrator’matapos mapansin ng mga netizens ang nasabing aparato sa mga larawan habang bumibisita ito sa mga apo sa kanyang kaarawan, kamakalawa.

Facebook Comments