Bilateral meeting nina PBBM at US President Joe Biden sa Washington ngayong linggo, kasado na

Courtesy: Bongbong Marcos/X

Kasado na ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US President Joe Biden sa Washington DC.

Ito ang kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año sa ambush sa interview sa Malacañang.

Ayon kay Año, ang bilateral meeting ay karugtong lamang ng naunang state visit ng pangulo noong nakaraang taon.


Posibleng pag-usapan ng dalawang lider sa pulong ang isyu sa West Philippine Sea, kalakalan, at cybersecurity.

Dagdag pa ni Año na nakapag-usap na sila ng kaniyang US counterpart na si Jake Sullivan para paghandaan ang bilateral meeting.

Sa kanilang pag-uusap, tiniyak nito ang iron clad commitment ng US sa Pilipinas lalo na kung kailangan nang i-activate ang Mutual Defense Treaty.

Facebook Comments