BILATERAL MEETING | Pangulong Duterte, biyaheng China ngayong araw para sa Boao Business Forum

Manila, Philippines – Biyaheng China ngayong araw si Pangulong Duterte Para dumalo sa Boao business forum mula April 9 hanggang 10 sa Hainan, China.

Inaasahan magkakaroon ng bilateral meeting si Duterte kay Chinese President Xi Jinping.

Kasunod nito, makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa Hong Kong bago bumalik ng Pilipinas sa April 12.


Muli namang aalis ng bansa ang Pangulo para dumalo sa 42nd ASEAN leaders summit na gaganapin sa April 26 hanggang 28.

Facebook Comments