Manila, Philippines – Pinagtibay ng China na ituloy ang pangakong dayalogo sa Pilipinas para mapanatili ang tiwala at pagkakaisa sa pagresolba ng isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Nabatid nitong Biyernes ay nagsagawa ng unang bilateral meeting ang dalawang bansa hinggil sa nasabing usapin.
Ayon kay Chinese Spokesperson Hua Chunying – inaasahan nilang mapapanatili ng dalawang bansa ang magandang relasyon.
Pero wala pa aniya silang opisyal na pahayag kaugnay sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa bantang giyera ni Chinese President Xi Jinping kapag iginiit ng Pilipinas ang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.
DZXL558
Facebook Comments