Bilateral partners ng Pilipinas, tumutulong na rin sa pagpapataas ng vaccination coverage sa bansa

Umaasiste na rin ang mga bilateral partner ng Pilipinas sa pagpapataas ng vaccination output ng ilang lugar sa bansa.

Pahayag ito ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje sa gitna ng mababang vaccine coverage ng BARMM, ngayong nagpapatuloy ang Bayanihan, Bakunahan III.

Ayon sa opisyal, kabilang na sa mga tumutulong sa bansa ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO).


Nagbigay na aniya ng refrigerators o solar ref ang mga ito para sa storage ng COVID vaccines sa rehiyon.

Maging sa usapin ng mobilisasyon at hiring ng vaccinators ay umaasiste na rin ang ating mga bilateral partner.

Facebook Comments