Senator Pacquiao, nagpasalamat na ikalawa siya sa nais suportahan ni Congressman Salceda

Nagpapasalamat si PROMDI presidential aspirant Senator Manny Pacquiao kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda.

Ito ay makaraang ihayag ni Salceda na ikalawang option na nais niyang suportahan ang presidential bid ni Pacquiao.

Una rito ay inendorso ni Salceda, ang pagtakbo sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.


Para kay Pacquiao, malinaw ang positibong pagtingin ni Salceda sa kanyang pagtakbo.

Itinuturing ni Pacquiao ang mensahe ni Salceda na kilalang matalino at magaling bilang motivation para lalo pa niyang pagsikapan na maisakatuparan ang misyon na mabago ang sitwasyon sa bansa.

Paliwanag ni Pacquiao, kailangan niyang maipanalo ang mga mahihirap kaya lubos ang pasasalamat niya sa mga Bicolano na patuloy ang suporta sa kanyang mga ipinaglalaban.

Facebook Comments