Manila, Philippines – Nakatakdang tumungo ng Hainan, China si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan para sa annual Boao (bo-aw) Forum for Asia.
Gaganapin ang event mula April 9 hanggang 10.
Ayon kay Chinese state councilor at foreign minister Wang Yi, ang pagbisita ng Pangulo ay mapapaigting ang bilateral relation sa pagitan ng Pilipinas at China.
Kasunod nito, makikipagkita ang Pangulo sa filipino community sa Hong Kong bago bumalik ng Pilipinas sa April 12.
Dadalo rin ang Pangulo sa 42nd ASEAN leaders summit na gaganapin mula April 26 hanggang 28.
Facebook Comments