Bilateral relations, security at anti-terrorism ilan lamang sa mga napagusapan nila Pangulong Duterte at Secretary Pompeo ng Amerika.

Inihayag ng palasyo ng Malacanang na umikot sa pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos ng Amerika ang naging pulong nila Pangulong Rodrigo Duterte at US Secretary of State Mike Pompeo na naganap sa Villamor Airbase sa Pasay City kagabi.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kabilang sa mga napagusapan ng dalawa ay ang security issues sa Indo – Pacific Region.

Ayon naman sa mga inilalabas na impormasyon ng White House sa Washington DC sa pamamagitan ni State Department Deputy Spokesman Robert Palladino ay kabilang din sa mga napagusapan ni Pangulong Duterte at Secretary Pompeo ay ang kooperasyon ng dalawang bansa sa issue ng paglaban sa terorismo.

Kabilang din aniya sa mga napagusapan ay ang kani-kanilang mga pananaw sa mga nagpapatuloy na hakbang patungo sa denuclearization ng North Korea matapos makapulong ni US President Donald Trump si North Korean President Kim Jong Un.


Sinabi din ni Panelo na haharap din ni Pompeo sa mga business leaders dito sa bansa upang ilatag sa mga ito ang business opportunities upang mas matibay pa ang economic relations ng Pilipinas at ng Estados Unidos ng Amerika.

Facebook Comments