Pangulong Duterte, maaaring guilty sa kasong inciting to murder at robbery, ayon sa isang obispo

20

Nagdududa na ang isang obispo sa ipinaakitang pag-uugali ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular sa mga kinukuwestiyon ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang aniya ay pagsisinungaling, pagsasalita ng masama at pag-aakusa ng walang katotohanan ng Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Bishop Bacani, hindi na biro ang nangyayari na makatanggap ng maraming banta sa kaniyang buhay si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David dahil na rin sa magkasunod na pahayag ng pangulo na pagnakawan at paslangin ang mga obispo.

Dagdag pa ni Bishop Bacani, maaari ngang nagbibiro ang pangulo, ikalawa nagbibiro at nagkaroon na ng epekto sa kaniyang isipan ang mga iniinom na gamot tulad ng Fentannyl.
Itinuturing din ng obispo na “Inciting to Murder at Robbery” kung totoo ang pahayag ng Pangulong Duterte na holdapin at patayin ang mga Obispo

Facebook Comments