Bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China, aarangkada na ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangakada na ngayong araw sa Guiyang, China ang unang sesyon ng Bilateral Consultative Mechanism (BCM) sa pagitan ng Pilipinas at China para sa mapayapang pagresolba ng isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine ambassador to China Chito Sta. Romana, layon ng kanilang unang pulong na maitatag ang tiwala sa magkabilang panig.

Gayundin ang mga paraan kung papaano reresolbahin ang mga isyu at ang pagpapakita ng terms of reference.


Sinabi pa ni Romana na nagkasundo ang Pilipinas at China na dalawang beses sa isang taon na magpulong para rito.

Aminado naman si Romana na hindi pa niya masasabi kung anong makikiresulta ng bilateral talks.

Makakaharap naman ng delegado ng Pilipinas sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang kanilang counterpart mula sa Chinese Foreign Ministry.
DZXL558

Facebook Comments