Bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, 0.99 na lang

42

Patuloy pang bumaba ang COVID-19 reproduction number o bilis ng hawaan sa National Capital Region (NCR).

Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research group Dr. Guido David, sinabi nito na bumulusok na ngayon sa 0.99 ang COVID-19 reproduction number sa NCR, mas mababa kumpara sa naitalang 1.03 kahapon.


Para kay David, nakatulong sa pagbaba ng COVID-19 cases ang mga ipinatupad na lockdown at vaccination program ng pamahalaan.

Samantala, sa ginanap na ‘Talk to the People’ kagabi, inihayag ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na may indikasyon na ng pagbaba ng COVID-19 cases nationwide.

Sa huling datos ng DOH, pumalo na sa 2,417,419 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa kung saan 91.7 percent dito ang gumaling na.

Facebook Comments