Mahigit 208,000 Pilipino, nakapag-apply na sa VaxCertPH

45

Umabot na sa 208,649 ang mga Pilipinong nakapag-apply sa National Digital Vaccine Certificate (VaxCertPH).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa nasabing bilang, 127,252 ang nakakuha ng certificate; 77,918 ang no-record found at 3,479 ang incorrect record details ay 3,479.

Sa apat na rehiyon sa bansa kabilang ang Region 3, 4, Metro Cebu, at Metro Davao ay umabot na sa 57,828 ang nakapag-apply kung saan 34,699 generated; 20,956 ang no-record found at 1,001 ang incorrect record details


Sa ngayon, wala pang tiyak na petsa kung kailan maipatutupad ang VaxCertPH sa bansa.

Facebook Comments