Bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila base sa monitoring ng OCTA Research team.
Ayon kay David Guido, nasa 1.34 na lang ang reproduction number kumpara sa 1.39 noong nakaraang linggo.
Aniya, 5854 ang average ng new cases ng COVID-19 sa loob ng isang linggo na may 11% growth rate.
Kahapon, pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City sa bilang na 951, sinundan ng Taguig, 651, 447 naman sa Manila, 406 sa Caloocan,336 sa Las Piñas at 322 sa Parañque.
Facebook Comments