0.99 na lang ang bilis na hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ay panglimang beses nang sunod-sunod na pagbaba noong nakaraang linggo mula sa 1.43 na reproduction rate.
Ayon kay Dr. Guido David ng Office of Clinical Trials Administration (OCTA) Research group, ang naging dahilan ng gumagandang datos ay ang patuloy na bakunahan at pagsunod ng publiko sa safety protocols na pinapairal sa bansa.
Dagdag pa nito, sa kabila ng lahat ay hindi dapat magpakampante dahil bagama’t bumababa ang reproduction rate ng COVID-19 ay nanatiling marami pa rin ang may sakit, punuan pa rin ang mga ospital at patuloy ang kaso ng may tinatamaan ng virus.
Sinabi ni David na posibleng sa Oktubre pa ng una o pangalawang linggo mararamdaman ang pagluwag at hindi na punuan ang mga ospital.