Bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umakyat pa sa 1.54

Umakyat pa sa 1.54 ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas mula sa 1.50 nitong nakalipas na araw.

Batay sa huling datos na inilabas ng OCTA Research Group, nasa 12,788 na ang naitalang bagong kaso sa bansa na mas mataas ng 41% sa paunang datos na 9,088.

Naitala ito mula sa August 4 hanggang 10.


Nananatili naman sa 11.76% ang average daily attack rate (ADAR) sa bansa habang ang occupancy rate ng mga intensive care unit (ICU) ay nasa 71%

Nangunguna ang Tuguegarao sa may pinakamataas na ADAR na nasa 57.11%, sinundan ng Mariveles, Bataan (52.14%) at Makati City (44.47%).

Facebook Comments