Bumagal na sa 1.29 ang bilis ng pagkalat ng COVID-19 sa Cebu City.
Ayon sa OCTA Research Group, bumaba sa 9% o 275 ang pagtaas ng kaso sa lugar kumpara sa naitalang 300 nitong August 12 hanggang 18.
Inaasahan naman ng OCTA na bababa rin sa 1 ang maitatalang reproduction number pagsapit ng unang linggo ng Septyembre.
Sa ngayon, nasa 29.17 na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Cebu, habang nasa 88% ang occupancy rate sa mga Intensive Care Units (ICUs).
Facebook Comments