Guidelines para sa 2022 national and local election, ilalabas na sa October 1

Pinag-aaralan na ng Commission on Election (Comelec) na ilabas sa October 1 ang guidelines para sa 2022 national and local election.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kasama na rito ang mga alituntunin para sa “in-person” na pangangampanya o sa pamamagitan ng online.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Comelec sa Inter-Agency Task Force (IATF) at iba pang health authorities para sa pagsasapinal ng ilalabas na alituntunin.


Muli namang ipinaalala ng Comelec sa mga kakandidato na iwasan ang ‘public display of affection’ tuwing kampanya tulad ng; paghalik, handshake at pagyakap.

Matatapos ang rehistrasyon ng pagboto sa September 30, 2021.

Facebook Comments