Nagulantang at napalingon ang mga motorista sa malaswang bidyong ipinapalabas ng isang billboard sa Auburn Hills Michigan noong Sabado ng gabi.
Sa ulat ng online news na WXYZ, sinabi ng pulisya na dalawang lalaki ang namataang gumalaw ng computer na konektado sa I-75 electronic billboard.
Batay pa sa imbestigasyon, lumitaw ang porno matapos pakialaman ng mga kawatan ang naturang computer.
Makikita sa CCTV na nakasuot ng hoodie, salamin, at may takip sa mukha ang mga salarin.
Billboard Pornography Investigation UPDATE. See media release for more details…https://t.co/B6DxiLaUXh pic.twitter.com/WyXIONJZfc
— Auburn Hills Police Department (@AHPOLICE) September 30, 2019
Nang mabalitaan ang nakakahiyang insidente, agad inalis ng kompanyang nangangasiwa ang pinapalabas na eskandalosong bidyo.
Ayon sa mga kinauukulan, posibleng sampahan ng mas mabigat na kaso ang dalawang lalaki dahil kitang-kita sa CCTV na intensyonal silang pumunta sa puwesto ng computer.
Magugunitang may umere din porn video sa isang billboard sa Gil Puyat cor. Makati Avenue, sa lungsod ng Makati noong Marso 2018.
Kagaya ng nangyari sa Auburn Hills, na-hack rin umano ang computer system nila.