Billy at Coleen, humingi ng tawad sa kanilang prenup photos

Nagsalita na at humingi ng dispensa ang showbiz couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia kaugnay ng kanilang kontrobersyal prenup photos na ginawa sa Ethiopia, Africa.
Umalma kasi ang maraming netizens dahil sa umano’y “offensive, inappropriate at racist” ang mga kuhang larawan.
Pero pahayag ng engaged couple, wala silang masamang intensiyon at ipinaliwanag na hindi ito opisyal na prenup shoot dahil inimbitan lamang raw sila ng Ethiopian Airlines na bumisita para i-promote ang turisma ng roon.



Ayon pa kay Billy at Coleen, “taken out of context” ang pagpuna ng ilang netizens sa kanilang mga larawan sa Ethiopia.
Binura na rin ng dalawa ang mga naibahagi nilang larawan sa instagram dahil hindi raw nila intensiyon na maka-offend.

Facebook Comments