NAGPATIWAKAL | Babae, tumalon sa isang gusali – patay!

Quezon City – Patay ang isang babae matapos na umano’y tumalon mula sa ika-labingwalong palapag ng isang condominium building sa bahagi ng Mother Ignacia, Quezon City.

Ayon sa mga ahente ng gusali, pasado ala una kaninang hapon nagtitingin lang ng condo unit ang biktimang si Kristine Grace Obedoza, residente ng East Fairview, QC.

Mula 6th floor, nakarating sila hanggang 18th floor kung saan nakiusap umano ang biktima na iwan muna siya.


Pero laking gulat ng mga ahente nang bigla umanong sumampa sa balcony ang babae saka tumalon.

Bumagsak sa pasimano sa ikalawang palapag ng gusali ang katawan ng babae habang ang braso niya ay bumagsak sa bangketa sa kalsada.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung nagpakamatay ang babae o dumungaw at aksidente lang na nahulog mula sa balkonahe

Facebook Comments