Abala ang newly weds na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa kanilang showbiz commitments maging sa kanilang bagong bahay kaya’t postponed muna daw ang kanilang honeymoon ayon kay Billy.
Sinabi rin ni Billy na hindi naman daw sila nagmamadali ni Coleen na magkaroon agad ng anak. Aniya, “Enjoy-in na muna namin yung kasal namin, married life muna.” Kakalipat lang rin ng mag-asawa sa kanilang bagong tahanan na tinawag nilang Crawford Crib.
Tinanong naman si Billy kung ano ang pakiramdam niya bilang bagong kasal. “Wonderful, sobrang saya. It’s just blessing after blessing after blessing, so sobrang thankful.” Dagdag niya, “Ang sarap lang ng pakiramdam, ‘Hi, this is my wife.’ May kilig every time.”
Facebook Comments