Bilyonaryong Japanese, itinigil na ang paghahanap ng girlfriend na isasama sana sa buwan

Yusaku Maezawa. PHOTO: REUTERS/Toru Hanai

Hindi na itutuloy ng Japanese fashion billionaire na si Yusaku Maezawa ang paghahanap niya ng magiging kasintahan na makakasama sana sa paglalakbay sa buwan.

Nitong buwan lamang din, inanunsyo ng 44-anyos negosyante na naghahanap siya ng mga babaeng may edad 20 pataas na makikipagpaligsahan para sa dokumentaryong ieere sa AbemaTV.

(BASAHIN: Bilyonaryong Japanese, naghahanap ng girlfriend na makakasamang lumipad sa buwan)


Sa isang post sa Twitter, humingi ng paumanhin si Maezawa sa halog 28,000 aplikante pati na sa staff ng AbemaTV, at sinabing labis siyang nalulungkot sa naging desisyon.

Si Maezawa, founder at dating CEO ng online fashion retailer na Zozo, ay kilala sa paglulunsad ng mga enggrandeng ideya na nakakakuha ng atensyon ng media.

Kamakailan lang, nangako siyang magbibigay ng $9 million sa kanyang Twitter followers bilang “social experiment” para malaman kung mapapataas nito ang kasiyahan ng mga netizen.

Facebook Comments